Una sa Balita

Robin ayaw paawat sa pagbanat kay Trillanes

Nag-sorry man sa pamilya ng senador

0 1,809

Nag-sorry si Robin Padilla sa pamilya ni Sen. Antonio Trillanes kahapon, dahil sa ginawa niyang malakas na pagtawa nung ianunsiyo na ‘void’ ang amnestiya ng huli.

Inamin ni Robin na napagsabihan siya ng mga nakakatandang kapatid sa Muslim, kaya agad siyang humingi ng paumanhin sa pamilya ni Sen. Trillanes.

Pero, hindi pa rin siya nagpaawat na muling ‘tirahin’ si Sen. Trillanes.

“Ako ay napa-live dahil sumagot na po ang aking classmate na si Sen. Trillanes. Isa pong malaking karangalan, classmate ang sagutin mo ako,” panimulang sabi ni Robin.

Ayon kay Robin, tinawag na ‘ugaling bata’ ang naging asal niya nu’ng Martes nang hapon tungkol sa kaganapan kay Sen. Trillanes.

“Kalmado lang ako, kasi medyo napagalitan ako. Dahil masyado akong naging masaya kahapon. Baka na-offend ko ang pamilya mo. Sorry po,” sabi pa ni Robin.

Pero, heto na nga ang sunod-sunod na hirit ni Robin laban kay Sen. Trillanes:

“Alam mo Antonio, sa usapin na ito, isa lang ang parang bata dito, ikaw. Kasi ikaw ang nagtatago. Ako nagpunta ako sa Senado para makita ko ang pagsilbi, pag-serve ng batas, kasi sa batas, no one is above the law. Yan pare ang point natin. Dapat ang lahat ay sumusunod sa batas.

“Nagpunta ako sa Senado para i-practice ko ang karapatan ko bilang Filipino.

“Kayo ang parang bata, kasi nagtatago kayo sa Senado. Sino ba ang parang bata sa atin, kasi Senador ka, pero nagtatago ka.

“Ay, bawal nga pala masyadong tumawa. Hindi na ako masyadong tatawa.

“Pare yung totoo lang ang sinasabi ko. Nung nag-kudeta ka, magrereklamo ka, pagkaraan ng 24 hours, susurender ka, di ba parang ugali ng bata ‘yon.

“Di ba ganun ang ginawa mo sa Oakwood noon? Para kayong nakipagbiruan lang noon, pero marami ang nawasak, naapektuhan na mga tao. Noon nag-walk out ka sa korte, tumawag ka ng mga taong sumama sa iyo, eh, para kang bata, kasi ginaya mo si General Aguinaldo. Pero, ginawa ni General Aguinaldo ‘yon may banda, nangyari ‘yon sa Cavite.

“Ako naman nung ginawa ko ang Bonifacio, may ca­mera, may shooting. Ikaw ginawa mo ‘yon na walang kamera, umaakting ka.

“Ganun ang bata, na kapag napagalitan, tatahimik. Pagkatapos mong guluhin ang Pilipinas noon, eh, para kang bata na sumurender, na ‘sorry po’.

“Hindi kita pini-personal kaya wag mo akong personalin. Yung mga banat ko sa iyo, may kinalaman sa sinabi mo na kasi katipunero ka. Kaya naman ako nagre-react kasi ginagamit mo ang katipunan.

“Magkaiba tayo ‘tol, kasi ikaw ginagastos mo pera ng bayan, kami pera namin ginagastos namin para makatulong sa tao. Nagbibigay pa ako ng tax.

“Pero gusto ko malaman mo na magkaiba tayo. Ako ang sinusunod ko ay ang tinuro sa akin ng magulang ko na hindi ako kailangan humingi, o magnakaw. Kahit ako si Robinhood, hindi ako nagnakaw. Lahat ng pinamigay ko ay pinaghirapan ko.

“Mga binabanat ko sa iyo, pare may atraso ka, nakita ng lahat nag-kudeta ka. Ang punto ko, kung ang sinasabi ng batas ngayon ay may pagkakasala ka, harapin mo pare ko. Maging magandang halimbawa ka ‘tol sa taong-bayan.

“Sumunod ka sa batas. Sa totoo lang nakaka-disappoint, kasi ang dami na naming problema, mga ordinaryong tao. Ano ang pakialam namin sa problema mo? Para isipin pa namin ang problema mo, harapin mo ang problema mo. Wag mo idamay ang buong bansa.

“Paano akong naging asal bata, eh, nasa malaya ako. Kumakain ako sa labas ng lugar. Sino ang parang bata sa atin. Ikaw ang nagtatago diyan.

“Ikaw ang national problem. Ikaw ang problema ng Pilipinas dahil hindi ka makontrol. Panay ang sumpa mo sa konstitusyon, na poprotektahan mo, pero ano ang ginagawa mo, nag-kudeta ka noon.

“Walang nang-aapi sa iyo dito. Kailangan lang harapin natin ang mga ginawa natin.

“Pantay-pantay tayo dito. Walang may mataas. Respetuhin natin ang batas,” sabi na lang ni Robin.