Una sa Balita

Robin ayaw makaharap ang boyfriend ni BB Gandanghari

By
0 2,357

Mas gugustuhin pa raw ni Robin Padilla na huwag na lang ipakilala sa kanya ang magiging fiancé o asawa ng kanyang kapatid na si BB Gandanghari dahil baka hindi raw nila ito mapakiharapan ng tama ay magkaroon pa sila ulit ng samaan ng loob.

Mas okey na lang daw na kung sakaling mag-asawa si BB ng lalaki ay dun na muna sila sa Amerika dahil alam niyang hindi pa gaanong tanggap dito ng lubos ang gay marriage o gay couple.

Kung yung pagiging transgender nga niya ay hirap na hirap na raw ito sa accep­tance na gusto niyang mangyari, mas lalo na kung yung pagkakaroon ng asawang lalaki.

Ayon pa sa Brand Pilipinas founder at ambassador, baka raw tatlumpung taon nang nasa hukay ang kanyang kapatid ay hindi pa rin siya totally na matatanggap ng society dahil iba nga raw ang pana­naw ng ating kababayan tungkol dito.

Siya raw ay nag-attend lang ng kasal ng fashion designer na si Francis Libiran at ng partner nito ay mula ulo hanggang paa na ang kanyang natanggap na pamba-bash.

Bilang kapatid ay matagal na niyang suportado ang pagkatao ni BB, at maging sa pinansiyal na pangangailangan nito ay hindi niya pinababayaan, kaya gusto rin niyang protektahan ang kanyang kapatid.

Alam daw niya ang pagpupursige ni BB na magkaroon ng break sa Hollywood, pero hindi kaila sa kanya ang sobrang kompetisyon dun, pero bilib din siya sa determinasyon ng dating kilala bilang si ­Rustom Padilla.

Respetado raw ni Binoe ang gay rights, pero gusto niyang pagtuunan nang pansin ang pagsulong sa mga produktong sariling atin, kaya sisimulan na raw niya ang pag-donate ng mga imported niyang ­gamit sa Caritas bilang pagpapatotoo na ­seryoso siya sa kanyang proyekto at advocacy.