Una sa Balita

Robin atras-abante sa Kapamilya shutdown

0 710

Lalo ngang tumitindi ang sitwasyon sa pagitan ni Robin Padilla at mga empleyado ng ABS-CBN, ha!

Heto nga at ipina­ngalandakan na ni Robin ang mga itinulong niya sa mga empleyado ng ABS-CBN. Kaugnay nga ito ng punto niya na magkaroon ng benepisyo ang mga manggawa ng istasyon kapag na-renew ang franchise nito.

Pinoste muna ni Ro­bin ang isang tweet news sa kanyang Instagram kalakip ang kanyang larawan.

“Tweet Scoop: ABS-CBN Executive Ethel Espiritu Answers Issues Raised by Robin Padilla on Quo Warranto and Treatment of Workers.

Sa caption, naglahad si Robin ng mga nagawa niya sa mga manggawa ng Kapamilya network.

“God is Great! Ma’am sa lahat ng mas nakakakilala sa akin sa buong showbiz world lalo sa mga taga-ABS-CBN batid nila ang aking pagtulong sa mga empleyado nito lalo na sa pangbili ng gamot, libing ng patay, utang na hindi mabayaran, papaopera ng anak na may butas sa puso etc etc.

“Ma’am Ethel pakitanong mo sa set ng Sana Dalawa ang Puso (huling serye ni Robin sa Kapamilya kasama sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap) kung sino ang kausap ko sa tent patungkol sa working conditions ng non-regular employees ng ABS-CBN walang iba kundi si Ma’am Gina Lopez.

“Mahigit isang oras kami nag-usap pati ang patungkol sa housing ng mga regular employees,” unang kuwento ni Robin.

Pinatutsadahan ni Robin ang isang tao na diumano ay subcontractor ng mga tent na ginagamit sa taping.

“At sa’yo Ma’am Rocky Ubana batid ba ng mga boss mo sa ABS-CBN na ikaw mismo sa panahon ko ay sub-contractor ng tent? Magkano ang suweldo mo sa mga tao? Minimum ba? May overtime ba? Registrado ba ‘yong agency mo? Alam ba ng DOLE na may mga laborer ka na nagpupuyat at walang working hours? Ano ang mge benepis­yo?” sey pa ni Robin.

Ayon kay Robin ngayon ang magandang pagkakataon na pag-usapan ang tungkol sa working benefits ng Kapamil­ya workers.

“Ang dahilan kung bakit ngayon ito dapat pag-usapan dahil magre-renew ng franchise ang ABS-CBN ito ang tamang oras para magpakumbaba ang management sa kanyang mga trabahador at makinig sa hinaing ng mga tao sa ground. Ganon po talaga mga ma’am ang negosasyon sa mga multi billion companies na may labor issues, hindi ko naman po ‘yan imbento may mga kaso po sa korte sa mga empleyado ng ABS-CBN.”

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe nagpasala­mat si Robin sa nagawang kabutihan sa karera ng kanyang mga kamag-anak.

“At patungkol naman sa mga artista na kamag-anak ko maraming salamat po sa trabaho na naibigay niyo sa kanila. Praise God pero hindi po sila ako, at ako ay hindi sila, may sarili silang mga isip at buhay. They can join you in bashing me it’s their right. I will forever thankful to ABS-CBN and to the people who really know me. Ang issue dito ay franchise at labor ‘yon ang harapin natin ‘wag natin daanin sa drama. I already apologized pero kung gusto niyo pa walang problema sa akin we can run the whole marathon.”

Isa sa mga emplyeado ng Kapamilya na si Eric John Salut ay nag-tweet na mula nang bumalik siya sa ABS-CBN matapos siyang manatili ng ilang taon sa abroad, maganda ang naging trato sa kanya ng kompanya at kumpleto ang kanyang benepisyo.

Angeline gustong talbugan si Alex

Gagawin ni Angeline Quinto ang lahat para makahakot ng maraming views ang kanyang YouTube channel. Pinoste ni Angeline ang iba’t ibang trabahong ginawa niya na malayo sa pagiging isang glamorosang singer ng Kapamilya.

Sa Instagram, nagposte siya ng ilang mga excerpt sa trip niya sa kalye. Mapapanood na naka-shorts at t-shirt lang ito habang nagbabayad ng fare sa jeep. Masisilip na nagpepedal rin ito habang naglalako ng paninda sa bicycle cart.

Meron ding nag-iihaw siya ng panindang barbeque. Nakamotor rin si Angeline suot ang uniform ng Grab delivery para puntahan ang isang costumer.

Hindi makikilala si Angeline dahil nakasuot ito ng surgical mask sa pagtitinda niya. Pero dahil maputi ang singer at nakalantad ang mga mata nito, pagdududahan itong tindera sa kanyang kutis.

Marami naman ang naaliw sa kalokohan ni Angeline at sinasabing ito ang kalaban ni Alex Gonzaga bilang vlogger.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More