Una sa Balita

Robin-Aljur tinik sa dibdib ni Kylie

By
0 54

Umiral na naman ang pagiging Lolo ni Robin Padilla sa anak ni Kylie Padilla na si Baby Alas nang magkita sila sa isang kasal ng staff ng kanyang management team nitong nakaraang araw.

Cute na cute tingnan ang maglolo habang isinasagawa ang sermonyas. Karga-karga siya ng Action King habang very attentive naman si Alas sa pagtingin sa kamera.

The Grandfather.

A post shared by bulldog (@kylienicolepadilla) on

Abante Hiring – IT dep

Punong-abala naman si Kylie sa pagkuha ng litrato ng maglolo. Picture perfect naman dating ng mag-lolo dahil kapwa guwaping na guwaping ang features nila, huh!

Isa na lang ang tinik sa dibdib ni Kylie. Konting push na lang at puwede nang magharap ang tatay niya at tatay ng anak niya, si Aljur Abrenica.

AlDub at GMA headwriter tuloy ang away

Hindi pa solved ang paliwanag ng Kapuso creative head na si Suzette Doctolero sa AlDub fans na tumigil na sa pamba-bash at maging nice na lang. Patama niya ‘yon sa umano ay pekeng AlDub fans na kapag naipareha ang mga idolo nila sa ibang artista eh, tinitira sa social media.

Umamin naman si Suzette na mali ang komento niyang flop ang Destined To be Yours series nina Alden (Richards) at Maine (Mendoza).

“Nabwisit kasi ako sa isang hater kaya inasar ko. Mali ‘yun. I love Alden. I am in awe of Maine. Truth be told,” isa sa sagot ni Suzette.

Basta si Suzette, tuloy lang ang buhay sa GMA na nangakong mas pasabog na shows ang handog ng GMA sa 2018!