Una sa Balita

Robi type makitang hubo ng mga fan

By
0 1,217

Simpleng balikat lang ang ipinakita ni Robi Domingo sa Instagram, pero todo hiyawan na ang mga fan, ha! Halos dibdib pa lang ang kita, pero super react agad ang mga fan, at nai-excite na sila sa kung ano pa ang mga susunod na pasabog ng idol nila.

Agad bumuhos ang mga emoji na apoy at pusong mata sa comment section sa IG ni Robi. Sa sandaling minuto palang mula nu’ng i-post ni Robi yon, umakyat agad sa libo-libong likes ang naturang litrato ni Robi.

Marami rin ang nag-request kay Robi na magpakita pa ng ibang parte ng katawan. Nais daw ng mga fan na makita ang hotness ng kanilang idolo.

Haka-haka naman ng ilang mga fan na road to daring roles na nga ba si Robi?

Huling lumabas si Robi sa movie ay noong 2010 kasama ang pumanaw na aktor na si AJ Perez sa pelikulang “Cinco”. Actually, sa pelikulang ‘yon ay naka-topless siya roon kasama sina Sam Concepcion at AJ Perez (RIP).

Kaya naman ngayon ay super abang ang mga fan kung papasok na ba sa daring roles ang kanilang idolo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy