Una sa Balita

Robi pinagpantasyahan ng kababaihan, beki

0 490

Sa huling hirit bago matapos ang tag-init, hindi lamang sa ube ice cream na hawak ni Robi Domingo natakam ang kababaihan at mga bekie, kundi pati rin mismo sa kanya na naka-flex pa ang macho body habang nakalubog sa swimming pool.

Umiral nga ang pagiging wild ng maraming babae dahil sa nakakaakit na summer entry ng host. May iba na sinasabing sana sila na lamang ‘yung ice cream para sila na lang ang nadilaan ni Robi o makikidila raw sila sa ice cream ni Robi. Jusmiyo! Nakakaloka, ‘di ba?

What is the meaning of this? Si Robi na nga ba ang bagong pantasya ng kababaihan?

Meron ding reaksyon ang kanyang PBB co-host na si Alex Gonzaga,­ “Ang arte ni bae!!” sey nito sa post ni Robi sa Twitter.

Sa Instagram naman, kinilig ang mga fan sa naging comment na tatlong heart eyes emoji ng kanyang rumored girlfriend na si Maqui Pineda. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More