Una sa Balita

Robi naguwapuhan kay Alden

0 455

Nag-viral ang ginawang interview ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo kay Asia’s Multi-Media Star Alden Richards. Pinost ni Robi sa kanyang vlog ang masayang interview niya kay Alden.

Naglaro pa sila ng game kung saan napanalunan ni Alden ay 170 pesos dahil sinagot niya ng tama ang tatlong tanong ni Robi.

Nasabi nga ni Robi na dream come true ang ma-interview niya si Alden para sa kanyang vlog.

Hindi naman daw siya nabigo dahil mabait at very accommodating si Alden.

“Natupad na rin ‘yung pangarap ko kasi before gusto lang kita makapanayam ngayon kasama na kita,” proud na sinabi ni Robi kay Alden.

Natuwa rin ang marami dahil tila naguwapuhan nga si Robi kay Alden.

Nakatanggap ng maraming positive comments ang vlog entry na ito ni Robi. Natuwa ang netizens dahil napagsasama na ang dalawang celebrities mula sa magkaibang network sa pamamagitan ng mga vlogs. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More