Una sa Balita

Robi inilantad ang babaeng ipinalit kay Gretchen Ho

0 891

abante-paistaran-dondon-sermino

Kung nu’ng 2018, umiiwas pa si Robi Domingo na pag-usapan ang bago niyang dyowa. Ngayong 2019, siya na mismo ang nagpasabog, nag-display, at tulu­yan na nga niyang ipinakilala sa publiko ang karelasyon niya.

“Happy holidays from Maiqui and me,” sabi ni Robi.

Nakakatuwa kasi si Robi, na kapag tinanong mo tungkol sa estado ng puso niya, sa bago niyang dyowa, idinadaan sa tawa ang lahat. Kaya winner ito, na siya na mismo ang nagpasilip ng ‘lambingan’ moment nila ni Maiqui, ha!

Pero ‘yun nga lang, marami rin ang broken hearted. Mga feeling dyowa sila, na iniwan ni Robi. Ang iba naman ay solid Robi-Gretchen Ho pa rin, na hindi matanggap na hindi na talaga magkakabalikan ang kanilang mga idolo.

itschellydarancon: “It breaks my heart solid RobiChen here.”

emdeey15: “@dianesro sabi sayo pumikit ka na lang. Bawal tumingin.”

meyn_mnlo: “My heart is broken, again!”

rynny27.1987: “Wow! Happy New Year! Happy to see you happy even I’m still hurting about you and Ms. Gretchen I’m a huge fun!”
ydalorraine: “Sad reax only.”

atoy_arthur: “Good for you Robi 2019 start of a new LOVE partner.”

Mensahe ni Charlene kina Atasha, Andres iniyakan ng mga nanay

Heartwarming ang bagong commercial nina Charlene Gonzales, Aga Muhlach, kasama ang mga anak nilang sina Atasha and Andres.

Sa naturang Jollibee commercial ay makikita nga ang former beauty queen, actress, host na ikinukuwento na ang “greatest joy” niya ay ang kanyang twin children.

Makikita sa commercial na maagang gumising si Charlene, para ihanda ang mga anak niya sa kanilang mga various extra-curricular activity.

Binasa rin niya ang makabagbag-damdamin niyang mensahe para sa kanyang mga anak, expressing how she had dreamed of having them in her life and how she and husband Aga have always strived to give them the best.

“I can’t believe how time has just passed so fast, and totoo pala ‘yung sabi nila, that no matter how old you get, you’ll forever be babies in my eyes. I want you to know that we tried every day to give you the best at hindi kami magsasawang alagaan at mahalin kayo,” sabi pa ni Charlene.

Marami naman ang naiyak sa mensahe ni Charlene sa kanyang kambal na anak.

iamvivlalangan: “Gave me tears. Happy New Year to the most beautiful family!”

perfectlymean: “So inspiring… felt the love in this family.”

@jang_tot: “Naluha ka!? Ako nagutom!”

cutenessheaven: “Nakakaiyak…”

jhudesamfhril: “Kakaiyak naman ms @itsmecharleneg na-miss ko tuloy anak ko. from Doha Qatar.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy