Una sa Balita

ROBI-GRETCHEN HIWALAYAN, DAHIL KAY SANDARA?

By
Sandara Park
0 7

Sa presscon ng ­Korean movie ni Sandara Park na One Step, nakiusap na ang mga taong namamahala sa career ng dalag­a, na iwasan ang magta­nong tungkol sa mga intriga. Lalo na ‘yung tungkol sa tsismis sa kanila ni Robi Domingo.

Na ang tsika nga, si Sandara raw ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Robi at Gretchen Ho. At wala ngang nagsasalita mula sa kampo nina Robi at Gretchen.

Pero, `yun na nga, bawal daw pag-usapan. Nandito nga raw kasi si Sandara para mag-promote ng pelikula ­niyang One Step, na kung saan ay kasama niya sina Jan Jae-Seok at Cho ­Dong-in, at dinirek ni Juhn Jaihong.

Abante Hiring – IT dep

Pero, hindi nga naiwasan na itanong ‘yon kay Sandara, na oo nga naman, ngayon lang nakatsika ulit ng Pinoy media si Sandara, at ito na ang chance para magsa­lita siya tungkol sa isyu.

Pero, hindi naman pinilit si Sandara na magsalita. Ibinigay sa kanya ang desisyon kung ­gusto niyang magsalita, o ayaw niya.

“Narinig ko rin ‘yon. Siyempre hindi totoo ‘yon. Wala naman ginawa or… We’re just good friends ni Robi (Domingo).

“That’s it! Parang hindi maganda `yon na marinig ang ganung ­issue, kasi baka masira pa ang friendship namin ni Robi,” sabi ni Sandara.

At iginiit nga ni Sandara na single siya ngayon, at walang boyfriend.

“Takot ako sa boss namin, nakalagay sa contract namin na ­bawal magka-boyfriend for 3 years. So, ayoko kasi na pinapagalitan ako ng mga teachers at boss ko, kaya sabi ko, okey, fine,” sey ni Sandara.

So, okey lang ba `yon na bawal pa rin siyang mag-boyfriend?

“Ngayon nga parang mas worried ako kasi wala akong feeling na gusto ko magka-boyfriend.

Dati kasi tinatanong ko kelan kaya ako magkaka-­boyfriend. Ngayon, parang mas happy ako na I’m working.

“And, sabi kasi nila, kapag may ‘pusa’ ka, mahihirapan ka raw magka-­boyfriend. Kasi, sobrang cute ng mga pusa ko, ayokong lumabas ng bahay dahil sa kanila,” nakakaaliw na tsika pa ni Sandara.