Una sa Balita

Robert et Louise sa Paris

0 142

Nagpa-plano ka bang magtungo sa ­Paris, France? Akala ng marami ay mahirap at ­sobrang magastos ang magpunta sa Paris. Kung may P100,000 ka, kaya mo nang mamasyal doon. Paano? Una, humanap ng murang tickets sa ­Google Flights. Kapag sinuwer­te ka, makakakita ka ng P30,000 – P35,000 roundtrip ticket. Maaari rin ­namang abangan ang mga promo ng mga airlines, travel agencies at mga credit card companies. Mag-search din ng mga murang hotels online o kaya ay mag-Air BNB na lang.

Isa sa murang ­areas sa Paris ay ang Montmartre (Mountain of ­Martyrs).

Marami ring mapapasya­lan dito – mula sa simbahan (Sacré Coeur) hanggang sa night clubs (Moulin Rouge). Marami ring ukay-ukay sa lugar. May mga magaganda at mahuhusay pang damit na nasa 1 euro (P57) lang. Affordable din ang mga kainan. Pero ang famous sa area nito ay ­shawarma o gyros na mga Middle-Eastern ­people ang nag­luluto. Sa halagang 4 ­euros (P228) ay mayroon ka nang shawarma, fries at softdrinks.

Pero siyempre, ­gusto mo ring matikman ang mga ipinagmamalaki ng Paris tulad ng steak, ­escargot at foie gras. Isang sakay lang ng ­Metro train mula Abbes­ses station sa Montmartre, ­patungong Saint Paul station sa ­Marais (sa halagang 1.90 euro sa loob ng 35 ­minutong biyahe), mararating mo na ang isa sa pamosong traditional French Restaurant sa Marais, Paris – ang Robert et Louise. Taong 1958 nang itayo ito nina Robert at Louise. Niluluto ang steak sa isang open brick oven o fireplace na gumagamit ng panggatong. Kitang-­kita mo habang nakaupo ka ang niluluto at hinihiwang steak sa harap mo.

Tinikman namin ng aking husband na si Leo ang starter nilang suso o escargot (9 euros). Napakasarap ng tinunaw na butter at herbs sa escargot.

Hindi rin siya makunat. Tamang-tama ang pagkakaluto. Binigyan din kami ng French baguette habang naghihintay sa main course.

Para sa main course, inorder namin ang rib eye steak (1 inch thick, 300 grams, 21 euros) na may kasamang wedge potatoes, romaine lettuce, at sauce.

Masarap ang kanilang mustard sauce na hinaluan ng honey. ­Hindi na namin sinubukang orderin ang beef rib na 900 grams na puwedeng pag­hatian ng dalawa hanggang tatlong tao (52 ­euros), pero ayon sa mga kaibigan kong sina Dr. Joseph at Dolly Inkee, napakasarap at juicy nito at talagang binabalik-­balikan nila.

Tender and juicy rin naman ang inorder ­naming rib eye steak. Tamang tama ang pagkakaluto at malalasahan pa ang masarap na pagkaka-grill sa steak.

Para sa ­dessert, mayroon ­silang crème brülée na home made (9 ­euros). ­Affordable din ang kape na nasa 2.50 euros. Mas ­mahal ng kaunti ang tsaa na nasa 4 euros.

Mayroon din ­silang lunch formula na ­dalawang courses at nagkakahalaga lang ng 14 ­euros. Ang lunch nga lang nila ay tuwing ­Huwebes, ­Biyernes, Sabado at ­Linggo. The rest of the week, nagsisilbi sila ng dinner. At tuwing Lunes, sarado ang restaurant.

Huwag kang magugulat kung mayroong makikiupo sa table mo dahil ‘yun mismo ang gusto ng mga may-ari ng ­restaurant – magsama-sama ang mga estranghero para roon magkakilala at maging magkaibigan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy