Una sa Balita

Robbery hold up sa Cavite

By
0 10

Planado at tiyak ng tatlong hindi nakilalang suspek na may dalang malaking halaga ng pera ang inabangan nilang mga biktima sa  bisinidad ng SR Money Changer sa Tirona Highway, Brgy. Habay 1, Bacoor City Cavite, na kaharap lamang ng SM City Bacoor.

Sa ipinadalang ulat sa Abante ni P/Supt. C­hristopher Olazo, hepe ng B­acoor Police, nabatid na dakong alas-12:10 ng tanghali kahapon ng maganap ang krimen, bubuksan umano ng mga biktimang sina Ronilo Cantor at Voltaire Villeta, pawang mga empleyado ng SR Money Changer, ang sasakyan nilang Nissan Patrol, nang lumapit ang tatlong armadong suspek at inagaw ang bag na naglalaman ng halagang 500,000 pesos sa mga biktima.