Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rob, Sid nagbuyangyang ng petsay, talong sa ‘Virgin Forest’

0 179

Matapang, marahas, puno pang-aabuso, sangkatutak ang hubaran, kangkangan.

Ganiyan ko puwedeng ilarawan ang pelikulang ‘Virgin Forest’ ni Direk Brillante Mendoza para sa Vivamax.

Matapang na inilarawan sa pelikula ang kuwento tungkol sa prostitusyon sa kabundukan.

Marahas ang galawan ng mga personalidad na pinagkakakitaan ang mga puno sa ilegal na paraan.

Puno ng pang-aabuso, dahil maraming babae ang napilitang gamitin ang kanilang katawan para kumita ng salapi.

Sangkatutak ang hubaran, dahil sa simula pa lang, makikita mo na agad ang mga halos hubo’t hubad na ‘engkantada’ (?) na aninag na aninag talaga ang tinatagong yaman.

Anyway, isa sa panggulat ng ‘Virgin Forest’ ay ang paglalantad ng ‘nota’ ni Sid Lucero. Paulit-ulit ngang sumilip, o pinasilip ang kanyang ‘talong’ sa mga eksenang maliligo siya, lalo na sa eksenang nakikipagkangkangan siya sa anim na babae.

Yes, sabay-sabay na pinaligaya si Sid ng anim na babae, habang nasa ‘falls’ sila, nakatungtong sa malalaking mga bato, na chika nga niya, kapag nagkamali sila ay malaking aksidente, na puwede pang ikamatay.

Eh, sa lamig pa lang daw ng namamalisbis na tubig, at hubo’t hubad nga silang lahat, na kailangan pa rin nilang umarte, halo-halo talaga ang naramdaman nila.

Kaloka ang eksenang `yon, na nalantad nga ang talong ni Sid, na ang hirit lang ng mga nakapanood, may pinagmanahan talaga, kung laki ang pag-uusapan.

Ano ang masasabi ni Sid sa ‘patalong’ niya sa Virgin Forest? Hindi ba siya humiling na mag-plaster na lang?

“Hahahahaha! No!

“Actually gusto ko sanang sabihin na prosthetics, pero hindi naman siya impressive. That’s all me! Hahahaha!” chika lang niya.

Pero giit niya, okey raw sa kanya ang eksena, na ‘yun naman talaga raw ang dapat gawin, lalo na kapag nasa water falls.

“I really don’t mind! I worked with other people bofore, at kahit sa love scene, hindi ako nagpa-plaster.

“Yung sa water falls, I don’t like the idea of ‘yung parang itatago pa. I wanted it to be as natural as possible lang talaga,” sabi pa niya.

Well, isa pa sa naglantad ng ‘petsay’ ay si Rob Guinto.

Ang dami niyang eksena na hubo’t hubad talaga siya habang tumatakbo sa kagubatan. At nakakaloka rin ang eksena niya na ginahasa siya ng tatlong lalake.

Sina Markki Stroem, Ivan Padilla, Greg Hawkins ang mga gumanap na mga illegal loggers, na lumapastangan kay Rob. At matapang din talaga silang magpasilip ng kanilang mga wetpaks, ha!

Pero, kabog nga lang sila ni Sid na nagpasilip talaga ng talong. Kunsabagay, si Sid naman ang bida sa Virgin Forest, eh! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.