Una sa Balita

Road Warriors nadaanan lang ng suwerte – Yeng

By
0 1,988

KONTING pahiyang sa routine, konting suwerte sa endgame, at nakawala ang NLEX sa four-game skid sa PBA Philippine Cup elims.

Biniktima ng Road Warriors ang Ginebra, 81-78, Biyernes ng gabi sa Cuneta Astrodome, Pasay.

“I really don’t know how we won the game,” ani coach Yeng Guiao. “We just put on an effort, sheer determination and some breaks in the endgame.”

Naiwan ng hanggang 50-36 sa third ang NLEX pero ayaw bumitaw.

May tsansa ang Road Warriors na lumaban pa para sa susunod na round pagkatapos ng 11-game eliminations.

Angat sa 3-4 ang NLEX, inakbayan ang biktima at Phoenix sa kalagitnaan ng standings.

Sa inilaro sa first three quarters, inakala ni Guiao na mauubusan na ang kanyang Road Warriors. Masama ang opensa, pero nagpumilit makabalik sa pangunguna nina veterans Larry Fonacier, JR Quinahan, Cyrus Baguio at Alex Mallari.

Tumapos ng 17 si Fonacier, may 14 si Quinahan, 13 kay Baguio at 11 si Mallari.

Nagpahiyang din ang Road Warriors, umaga bago ang laro ay tumapak ng court para sa shootaround.

“We usually don’t practice in the morning but today we practiced in the morning, we did some shootaround, we did some walk-throughs,” dagdag ni Guiao. “That’s surely unusual for us, we usually want to get rested in the morning of a game but we did that today just to shake it up.”

Nagbunga naman, dahil kumikikig na muli ang Road Warriors, babalik ng Astrodome sa Pebrero 9 para harapin naman ang Meralco.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy