Una sa Balita

Road rage driver ng No. 8 plaka hinahanting ng mga congressman

By
0 1,644

Hindi kukunsintihin ng lide­rato ng Kamara ang “road rage” na kinasangkutan ng motorista na may plakang otso (8).

Ang protocol plate na “8” ay gamit ng mga kongresista.

Batay sa viral video na ku­malat sa social media, makikita ang lalakeng nagmamaneho ng sasakyang FJ Cruiser na may plakang “8” na bumaba at pinagsusuntok ang driver ng pulang kotse na posibleng na­kagitgitan nito sa daan.

Sakaling mapatunayan na pagmamay-ari ng kongresista ang kotseng gamit ng maangas na driver ay hindi umano ito palalampasin ng Kamara.

Ayon kay House Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, maraming nagalit at mga nananawagan na umaksyon ang mga kongresista para matukoy kung sino ang sutil at pasaway na driver.

“There are calls, many ­angry, from congressmen for us to officially ask the proper authorities to identify the driver, the ownership of the car, and the authenticity and prove­nance of the protocol plate,” pahayag ni Andaya.

“But LTO (Land Transportation Office) and PNP (Philippine National Police) can act motu proprio, ora mismo hindi na kailangan ng request mula sa atin. Ang socmed chatter ay plaka pa ng nakaraang Congress, 16th Congress, expired na,” paliwanag ng House leader.

Dahil sa inasta ng hambog na driver ng sasakyan na may otsong plaka ay dinungisan diumano nito ang Kamara. ­