Una sa Balita

Roach walang pakialam kay Fortune, Fernandez

By
0 1,327

KAHIT tahasang sinabi ni Justin Fortune na makakasira lamang sa training camp ni Manny Pacquiao ang pagbabalik sa kampo ni Hall of Fame trainer Freddie Roach, hindi ito minamasama ng huli.

“There’s been a contract each fight. It’s always been that way. Nothing different. I told my lawyer (Nick Khan) what to put in the contract and what Manny told me. They have the contract and everyone’s happy. No problem,” wika ni Roach.

Nitong Martes (Miyerkoles sa Pilipinas) ay nagkausap sina Pacquiao at Roach sa Los Angeles pagkalipas ng lampas isang taon at inihayag ng WBA 147-pound ruler na ibabalik niya sa kanyang team ang dati na niyang trainer para sa January 19, 2019 title defense fight niya kay American bruiser Adrien Broner sa Las Vegas.

“Freddie can supervise or instruct Buboy, this is what we’re going to do,” saad ni Pacquiao.

Hindi ito nagustuhan ni Fortune, ang strength and conditioning coach ng Pambansang Kamao, at mismo ni Buboy Fernandez, na nagsilbing chief trainer niya sa Lucas Matthysse fight nitong Hulyo sa Malaysia.

Pero walang problema si Roach sakaling tuluyang magbalik sa kampo ni Pacquiao at makasama ulit sina Fortune at Fernandez.

“We are a team. (Buboy) did a good job in the last fight (with Matthysse). He’s not a problem.”

Sinabi ni Fortune na “makes for a bad camp. It’s going to be toxic” nang ihayag ni Pacquiao ang pagbabalik ng da­ting guro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy