Una sa Balita

Roach parang basura na itinapon ni Pacquiao

By
0 5,332

Umani ng simpatiya mula sa publiko habang inupa­kan naman ng mga netizen ang desisyon ng kampo ni Senador Manny Pacquiao na tapusin na ang 16 na taong partnership nila ng kanyang trai­ner na si Freddie Roach.

Marami ang nagulat sa pasya ni Pacquiao na sipain si Roach, 58-an­yos, bilang head trainer sa kanyang paghahanda para sa July 15 bout kay WBA welterweight champ Argentinian Lucas Matthysse.

May nagkomento na parang basura umano na basta na lamang itinapon ni Pacquiao ang matagal na niyang trainer at kasama sa kanyang mga tagumpay sa larangan ng boksing noong kalakasan pa ng itinuring na Pambansang Clown ng Senado.

Isang netizen ang nagsabi na ito na ang ka­tapusan para kay Pacquiao sa boksing. “…and now the end is near…curtain call on Manny,” komento ni riverphoenix007.

Inihalintulad naman ng netizen na may user name tomcat sa isang papalubog nang barko si Pacquiao. “It’s hard but Pacquiao is a sinking ship,” ayon sa kanya.

“All the more reason to root against Pac and make him realize he should already quit the sport,” post ni Gilbert Cruz.
Labis na nasaktan si Roach sa ginawang pagbasura sa kanya ni Pacquiao na inilarawan niya na mas matagal pa ang kanilang samahan kaysa mga ikinakasal.

Ang ikinalulungkot pa ni Roach ay hindi man lang siya sinabihan nang personal o tinawagan ni Pacquiao.

“Manny and I had a great run for 15 years – longer than most marria­ges and certainly a rarity for boxing. I wouldn’t trade any of it. Inside the boxing ring and the political ring, I wish Manny nothing but the best. I would be lying if I don’t say I wasn’t hurt that he didn’t contact me personally about his decision, but the great times we enjoyed together far outweigh that,” pahayag ni Roach.