Una sa Balita

Roach miron sa Pacquiao- Matthysse, pang-asar?

By
0 1,165

WITH the addition of Kobe Paras sa lineup ng UP Fighting Maroons, mas posible na ngayon na matupad ang dream ni Coach Bo Perasol na mapabilang sa top four ng UAAP basketball league.

Mas naging bongga na nga ang lineup ng naturang tropa na noon pang panahon namin in 1986, una at huling nakakuha ng cham­pionship title sa UAAP.

Nitong May ay na-recruit ng team ang kontrobersiyal na cager na si Ricci Rivero na nagpalakas sa roster na kinabibilangan ng Gomez de Liano bro­thers (Juan and Javi), Will Gozum, Bright Akhuetie, at iba pang mga blue chip recruit.

“With Paras around, it feels like solving a puzzle. Mahirap na proseso and would entail a lot of work, but it is very doable now,” say ng dating Maroon player now coach Perasol.

Proud na proud si­yempre ang kumpareng Benjie Paras natin sa pagkakabilang ng anak sa koponan. Present din ang ina ni Kobe na si Jackie Forster nang humarap ang 20-anyos na binata kina UP President Danny Concepcion at iba pang mga executive ng Unibersidad.

Although hindi makaka-join sa tune up games ng UP team sa Europe (Serbia and Croatia) si Paras later this month, meron daw itong programang sinusunod para ma-at tune sa sistema ng team bilang paghahanda sa season 82 ng UAAP.

***

Maraming Alyssa Valdez fans ang nagulat dahil ‘di daw ang paborito nilang player ang tinanghal na MVP sa katatapos lang na Reinforced Conference ng PVL o Premier Volleyball League.

Si Myla Pablo ng Pocari-Air Force ang nakakuha ng most co­veted MVP plum kahit third place lang ang team nila.

Pero nang dahil nga kay Pablo kaya nakara­ting sila sa natu­rang posisyon at sa kanya ipinagkaloob ang MVP award at ‘di kay Valdez.

Hugot din ni Pablo ang Second Best Outside Spiker award, kasama ng mga ibang awardee gaya nina Jeanette Panaga (First Best Middle Blocker), Alyssa Valdez (First Best Outside Spiker), Michelle Gumabao (Best Opposite Spiker) Jia Morado (Best setter), Joy Dacoron (Second Best Middle Blocker), at Liz­lee Ann Gata-Pantone (Best Libero).

***

Kumpirmado na ngang watch si Pangulong Duterte sa laban ni Pacquiao bukas kontra Matthysse sa Malaysia.

Handa na daw ang lahat at balitang sasamahan si Digong ng ilan niyang personal na inimbitang miyembro ng Gabinete na amigo din ni Pacquiao.

Balitang mismong ang team ni Pacquiao ang sumagot ng gastusin ng Pangulo para ‘di sila maintrigang gagasta ng pera ng bayan.

Pero ano itong tsikang nasagap namin na umano’y manunuod din ang dating coach-trai­ner ni Pacman na si Freddie Roach hindi para magbigay ng suporta sa dating ward, kundi para daw magmistulang pang-asar lang?

“He may want to witness the fall of once a great boxer,” say ng mga boxing site na nang-iintriga pa rin.