Una sa Balita

Roach kay Pacquiao: ‘KO’ BRADLEY= MORE VOTES

0 10

Hinihimok ni Hall of Fame trainer Freddie Roach si Pambansang Kamao Manny Pacquiao na patulugin (knockout) si American fighter Tim Bradley sa kanilang April 10 (Manila time) fight sa Las Vegas.

Dahil naniniwala ang premyadong trainer na kapag maganda ang ipinaki­tang laban ni Pacquia­o, lalo na kung mananalo via knockout, mas maraming botong mahahakot sa nalalapit na eleksiyon sa Mayo.

Si Pacquiao, 37, ay tumatakbong senador, matapos magsilbing two-time Congressman ng Sarangani.

“I’m urging Manny to win by knockout, because the better he looks in the fight, the more votes he gets as senator. And that’s the truth,” koment­o ni Roach sa panayam na lumabas sa SB Nation.

Ayon kay Roach, sa nakikita niyang itinatakbo ng training camp, walang dahilan para hindi magawang i-knockout ni Pacquiao si Bradley, na bagama’t nagbago ng trainer, ay bahagya na lamang aniya ang ipagbabago ng galaw o fighting style nito.

“Manny is motivated. He trains the same for anybody. He doesn’t care who the opponent is. He’s very motivated to win this fight, for sure,” ani Roach.

Ayon pa kay Roach, wala rin siyang nakikitang problema mula sa shoulder injury ni Pacquiao na natamo habang naghahanda sa laban kay Floyd Mayweather noong nakaraang taon, bagama’t sariling rehabilitation ang ginawa ng Pambansang Kamao.

“His rehab he did on his own. He prayed to God and he went swimming in the ocean. I tell you what, he blasted me with the right hook. It worked. … (His left and right) are about equal. (The hooks) are powerful. And no complaints, either. No pain. He looks pretty good,” dagdag pa ni Roach.

Si Pacquiao ay nasa huling dalawang linggo na ng paghahanda sa laban matapos isagawa ang halos isang buwan sa GenSan. (VTRomano)