Una sa Balita

Roach ayaw pa ring tantanan si Mayweather

By
0 657

LAMPAS tatlong taon na ang nakalilipas, hindi pa rin maka-move on ang longtime trainer at ngayo’y consultant ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao na si Freddie Roach sa pagkatalo ng alaga kontra kay Floyd ‘Money’ Mayweather, Jr.

Saad ni Roach, sariwa pa sa kanyang alaala ang naging laban ng eight-time world division champion ­Pacquiao sa highest paid boxer of all-time na si Mayweather.

Dismayado aniya siya sa naging unanimous decision win ng undefeated American boxer noong 2015 sa tinaguriang ‘Battle for Greatness’ na itinutu­ring na may pinakama­laking benta sa kasaysayan ng propesyonal boksing.

“Mayweather has spoken badly about him. I think the winner of this fight can get the fight against Mayweather. I hope it happens, I would like to see that, I was very disappointed in the first fight against Mayweather,” kuwento ni Roach sa LA-based journalist na si Eduard Cauich.

Kanya ring inilahad na noong mga panahong iyon, na napuruhan ang bisig ni ‘Pacman’ kaya’t hindi rin 100 porsiyentong Pacquiao ang nakita sa bangasan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy