Una sa Balita

‘RMC 5-Cock Derby’ inaantabayanan

0 405

MAY dalawang linggo pang paghahanda ang mga gamefowl breeder para sa “RMC 30th Anniversary 5-Cock Derby” na sisimulan sa Jan. 30 sa 10,000-seat at air-conditioned Roligon Mega Cockpit.

Puwedeng magpasok ng entry sa 3-cock elims (P100,000 day champ) sa Jan. 30, Feb. 6, 13, 20, 27 at Mar. 5 at 12.

Ang 2-cock finals ay sa Mar. 19 (1, 1.5, 2 at 2.5 points may P200,000 sa day champ at Vortex motorcycle sa raffle draw) at Mar. 26 (3 points lamang).

Garantisado ang P4 milyon sa malaking pasa­bong na ito ni Roligon CEO Dennis Ligon.

Itinakda ang entry fee sa P11,000 at minimum bet na P5,500.
Para sa champion handler (P100,000) at gaffer (P50,000). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More