Una sa Balita

RK ‘tinigasan’ kay Sue

0 838

Isinilang na ang bagong sexy-drama actress sa katauhan ni Sue Ramirez! Ang kaseksihan at galing sa pag-arte ay inilantad niya sa biggest movie niyang “Cuddle Weather” mula sa Regal Entertainment.

Sa totoo lang, umaapaw ang alindog ni Sue sa kabuuan ng pelikula kaht hindi siya masyadong tumodo sa paghuhubad. Kutis at kinis lang niya pati na mga mata ay sapat na upang maakit niya ang kalalakihan!

Palaban din siya sa laplapan nila ng leading man niyang si RK Bagatsing. Pasilip man ang pabukol ni RK, lutang na lutang naman ang talent niya sa pag-arte, huh!

Sex workers o pokpok ang character ng dalawa. Nagka-inlaban kaya naman ‘yung banatan nila ay napuno ng pagmamahal!

Sa totoo lang, sabayan ng galing sa pag-arte sina Sue at RK. Halos sa kabuuan ng movie, silang dalawa lang ang nag-uusap. Pero hindi nakakabagot!

Hinaluan din kasi ito ng panalong dayalog na ngayon lang narinig sa isang local movie. Pero nagustuhan ito ng mga nanood sa premiere night dahil ang mga salitang ito ay hindi pinapayagan noon ng MTRCB.

Maganda rin ang lighting, editing at iba pang aspeto ng pelikula na dinirek ni Rod Marmol.

Sa payo ni Sue kay RK na tinuruan niya ng tips para maging mabenta sa pagiging call boy, “Bawal tigasan!” pero hindi napigilang “tigasan” ni RK kaya hayun, nagkaibigan sila!

Mapang-akit talaga ang anyo ni Sue. Tutal wala naman siyang arte sa paghubad, kaya puwede na siyang bansagang The Sexy-Dramatic actress of the year!

Isa ang “Cuddle Weather” sa entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood ngayon.

Panoorin ang lahat ng entries ngayong Pista ng Pelikulang Pilipino!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy