Una sa Balita

Rizal, PhilSports handa nang quarantine area

0 358

Nakahanda ang Philippine Sports Commission (PSC) na ipagamit ang lahat ng maluluwang nitong pasilidad para mapunuan ang kakulangan sa mga pinagdadalhang hospital at isolation rooms para sa mga nagpositibno sa coronavirus gayundin sa mga person under monitoring (PUM) at person under investigation (PUI).

Sinabi ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na nagpulong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease sa isa sa nais din na i-convert na pasilidad na Philippine International Convention Center (PICC) upang asikasuhin ang agarang pagsasaayos at paglalagay ng mga kuwarto sa dalawang sports complex.

“Napag-usapan doon sa meeting na kulang talaga ang facilities ng gobyerno. The PSC purpose is to facilitate the uses of our facilities. May multi-purpose gym there, Rizal Stadium is a good place with huge space na apat. Isang bagong gawa din ang PhilSports at iyung track oval,” sabi ni Ramirez.

Ipinaliwanag pa ni Ramirez na kada isang pasilidad ay kaya na maglagay ng mahigit na 100 katao.

“Our role is provide the facilities, we just make the provision of facilities, while other agencies will take care of the construction,” sabi ni Ramriez.

“DPWH will take the lead on that emanating from the Office of the Secretary for the construction of rooms and divisions of each facilities. Conscious din kami s janitorial, kasi may mga gamit na dapat na binabantayan talaga para mapanatiling malinis ang gagamiting lugar.”

Idinagdag ni Ramirez na inaasahang 150 beds ang makakaya sa PhilSports Arena habang sa Rizal Stadium ay kaya na makapaglagay ng 100. Hindi pa kasama dito ang Ninoy Aquino Stadium at ang mga dormitories.

“Iyung provision to use lang para gamitin an gamin and iyung actual na pagbili ng gamit base sa ginanap sa PICC meeting kahapon that started 10 am and end at 2pm, nasa kanila na lahat ang bola,” sabi ni Ramirez. (Lito Oredo)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More