Una sa Balita

Rizal Memorial Coliseum bubuksan sa Nobyembre 20

0 257

BAHAGYANG namalas ang panibagong mukha at kagandahan ng 85-taong Rizal Memorial Coliseum matapos alisin ang mga nakaharang na yero na ginawang bakod sa harapan nito habang isinasagawa ang renobasyon at pagpalit sa mga kagamitan tungo sa pagiging moderno at maituturing na state-of-the-art.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Deputy Executive Director at COSSECS head Atty. Guillermo Iroy Jr. na itutulad ang bagong Rizal Memorial Coliseum sa mga tanawin sa Italy na pinanatili ang mga makasaysayang bahagi at pangkultura na pasilidad habang moderno at makabago ang nasa loob na pasilidad.

Lumitaw ang kagandahan ng pasilidad matapos lumantad ang panglabas na bahagi ng pasilidad na nilagyan ng mga ilaw ang itaas at gitnang bahagi habang patuloy na kinukumpuni para maihabol sa ­pagsasagawa sa bansa ng ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games.

Napagkasunduan ng PSC at contractor na pansamantalang ihihinto ang pagkukumpuni at bubuksan ang Coliseum sa Nobyembre 20 upang ilagay ang mga gagamiting equipment ng gymnastics sa SEA Games. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy