Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rizal Masungi Geopark swak sa int’l award

0 226

Pasok sa top 5 finalist sa 2020 WIN WIN Gothenburg Youth Sustainability Award ang Masungi Geopark Project, isang geo-reserve conservation site sa Baras, Rizal.

Napili ang Masungi Georeserve sa pangunguna nina Ann at Billie Dumaliangin, mula sa 358 nominations galing sa 80 bansa. Kasama nito ang apat na iba pang project mula sa Colombia, Ethiopia, Kenya, at United States.

Layunin ng award na binibigay sa Gothenburg, Sweden na mabigyang pagkilala mga kabataan na nakilahok sa paglikha sa mga kapaki-pakinabang na hinaharap.

Ang mga finalist ay pipiliin ayon sa criteria ng impact, holistic approach, creativity, mobilization, innovation, scale, at ipinalitang awareness.

Iaanunsyo sa Agosto 12, 2020 ang mananalo, pero ayon sa Masungi Geopark Project team, kahit na sino pa ang mananalo ang masaya na sila sa pagkilalang tinanggap at kinokonsidera na nilang tagumpay ang maabot ang top 5 finalist.

Ang Geopark project ay isang restoration at rewilding ng Baras, Pinugay, Cuyambay, at Tandang Kutyo sa Rizal matapos taniman ng libu-libong native na puno. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.