Una sa Balita

Rivers ‘nagwala’, nasipa

By
0 281

‘Di malaman ni Clippers coach Doc Rivers kung paano pipigilin si Denver big man Nikola Jokic.

“Post-ups, he’s great. Passing, he’s great. Shooting, he’s great,” litanya ni Rivers. “Not a lot of weakness there. Just got to guard him hard.”

Pero kahit ano’ng gawin, walang nakaawat sa 7-footer. Sinubukan ng Clippers, pero naubusan.

Sa isang eksena sa kalagitnaan ng fourth, blinangka ni Will Barton ang isang tira ng Clippers at dinamba ni Jokic ang rebound.

Sa isang iglap, naibato na ni Jokic ang bola sa rumaragasa pa-kabila na si Barton. Isinubo ni Barton ang posesyon kay Monte Harris para sa isang 3-pointer.

Nambarako si Jokic ng 20 points at 15 rebounds at naligtasan ng Nuggets ang matinding rally ng Los Angeles para ipreserba ang 114-104 panalo Linggo ng gabi.

Iwan ng hanggang 20 sa second half, dumikit sa anim ang LA 1:11 pa nang matawagan ng foul si Patrick Beverley kay Jokic.

Umusok sa galit si Rivers, natawagan ng dalawang technicals at na-eject. Ipinasok ni Jamal Murray ang dalawang bonus throws para ilayo ang Denver.

Tumapos si Murray ng 19 points, umayuda ng 13 si reserve Michael Porter Jr.

Binanderahan ng 30 points ni Kawhi Leonard ang Los Angeles, may 26 si Lou Williams at 25 kay Montrezl Harrell. Hindi sumama sa biyahe ng Clippers sa Pepsi Center si Paul George (strained left hamstring).

Nakawala mula sa maalat na shooting si Gary Harris para umiskor ng 15 mula sa 5 of 9 clip sa field si Gary Harris para sa Denver.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More