Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rivers lumayas sa LA Clippers

0 200

KUSANG umalis si Doc Rivers bilang head coach ng Los Angeles Clippers makalipas ang pitong taon.

Sa pahayag ni Rivers sa kanyang Twitter account, inanunsyo nito ang kanyang paglisan sa naturang koponan kahit pa may dalawang taon pa sa kanyang kontrata.

“When I took this job, my goals were to make this a winning basketball program, a free agent destination, and bring a championship to this organization,” ayon kay Rivers. “While I was able to accomplish most of my goals, I won’t be able to see them all through.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaasahan na makaabot sa Western Conference Finals ang Clippers matapos mabuo ang star-studded lineup nina Paul George at Kawhi Leonard, ngunit tinalo ng Denver Nuggets sa semis kahit pa nahawakan na ang 3-1 advantage.

Sa ngayon ay dalawang koponan ang nag-aagawan para masungkit ang multi-titled coach.

Ito ay ang Philadelphia 76ers, na kakasibak lang sa kanilang coach na si Brett Brown, sunod ang New Orleans Pelicans matapos na mabigo sa playoffs sa ika-apat na pagkakataon sa nakalipas na limang taon. (Raymark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.