Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rivero P31K na pang-ayuda

0 168

NAKAIPON na ang UP Fighting Maroons guard na si Ricci Rivero ng ₱31,500 na nakatakdang ipamahagi sa mga displaced driver ng UP Ikot Jeepney Drivers Association matapos ang kanyang unang apat na laro sa 84th University Athletic Association of the Philippines 2002 men’s caging elimination round.

Pinahayag ng basketbolistra bago pa magsimula ang liga na kada puntos para sa State U tatapatan niya iyon ng halagang P250 upang matulungan ang mga tsuper ng dyip na na namamasada paikot sa loob ng UP Campus sa Quezon City.

Inaasahang tataas pa ang halaga na matapos simulan sa P250 kada puntos itinaas na niya ngayon ito sa P500.

Ito ay inisyatiba ng basketbolista at kanyang pamilya sa Virtual Playground para masaklolohan ang mga jeepney driver na apekado ng COVID-19. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.