Una sa Balita

Rivero nagbabu sa La Salle

Problema sa droga, eskwela?

By
0 3,742

ISYU ba sa droga, problema sa playing time, hassle sa pag-aaral, o may personal na pinagdadaanan?

Walang malinaw na rason pero tila nagpapaalam na sa kanyang koponang De La Sa University (DLSU) Green ­Archers ang 6-foot-1 small ­forward na si Ricci Rivero.

Sa kanyang opisyal na ­Twitter account, nagpasalamat ang 19-anyos na basketbolista sa La Salle team at lahat ng mga tagasuporta nito.

“All good things come to an end,” makahulugang tweet ni Rivero. “Thank You to the La Sallian community for the support you’ve given me. The ­Animo spirit will always be with me. Its now time to move ­forward.”

Kamakailan, naisyung gumagamit umano ng droga ang manlalaro pero agad niya itong itinanggi. Pero nagpaparamdam nang tila aalis na sa Green Archers matapos lamang ang kanyang sophomore year.

Level up ang performance ni Rivero sa katatapos lamang na UAAP season kung saan nahirang siyang Most Improved Player at kabilang sa Mythical Team sa nairehistrong 13.8 puntos, 5.3 rebounds, 2.1 assists at 1.6 steals.

Napabilang din ito sa tinaguriang Gilas 23 for ‘23 selection’, isang pool ng mga magagaling at may ibubugang batang Pinoy dribblers na isasagupa sa 2023 FIBA World Cup, kung saan ­co-host ang Pilipinas.

Sa ngayon, wala pang malinaw na balita kung saan lilipat ng koponan si Rivero. Ayon sa dating coach niyang si Aldin Ayo, na titimunan na ngayon ang UST Growling Tigers, wala siyang ideya sa sunod na hakbang ng dating alaga. “Hindi pa kami nagkakausap. Baka sa NU,” aniya.

Pero ang NU Bulldogs, wala ring alam dito. “Hindi ko alam kung lilipat sa amin,” wika naman ni NU coach Jamike Jarin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy