Una sa Balita

Rivero nag-sorry sa paninigaw, mga netizen nahahambugan pa rin

By
0 1,380

NAGSISISING Ricci Rivero ang sumambulat sa socmed pagkatapos maaktuhang binubulyawan ang dalawang fan na gustong makipag-selfie sa kanilang laro kamakailan sa 2018 FilOil Preseason Cup.

Kinumpirma ng 20-anyos na si Rivero na siya nga ang nasa bidyo na nangyari sa kanyang unang laro kontra dating koponan La Salle noong Abril 27 nang natalo ang Gilas cadets kaya iritable ang binata.

“I had a bad game, it was a frustrating loss. This was during my first game out of and against La Salle. Dugouts are our only private place to pour our emotions seconds after an emotional game. T’was the most inappropriate time and place for a selfie,” ayon sa tweet ni UP Fighting Maroons’ Rivero.

Gayunman, humingi ng tawad si Ricci sa dalawang babaeng nasigawan at pinangakong pagninilayan ang kanyang ginawa.

“Hence, I still own up for this unacceptable behavior. To the girl in the video and to all who are affected and disappointed, I am a work in progress and I sincerely apologize for my imperfections,” aniya pa.

Bagama’t nag-sorry na si Ricci, hindi pa rin maiwasan ng netizens na patuloy na magpasaring na sinasabing lumalaki na ang ulo nito dahil sa kasikatan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy