Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rivero, Maroons sulit paghihintay

0 52

SULIT ang halos apat na dekadang paghihintay ng University of the Philippines, sa wakas ay nasikwat ang ikalawang titulo, una sa nakalipas na 36 taon, nang silatin ang mas pinapaborang Ateneo Blue Eagles Biyernes ng gabi sa do-or-die Game 3 sa pagtatapos ng UAAP Season 84.

Nasa unahan ng tagumpay si coach Goldwyn Monteverde, ang beteranong sina Ricci Rivero at Noah Webb kasama ang puro baguhan na sina Gerry Abadiano, Jancork Cabahug, Joel Cagulangan, RC Calimag, CJ Cansino, Maodo Malick Diouf, Sam Dowd, Anton Eusebio, Bismarck Lina Ethan Kirkness, Cyril Gonzales, Carl Tamayo, Xavier Lucero, Harold Alarcon at Terrence Fortes.

Halos dalawang buwan lang nagsama-sama sa ensayo dahil sa restriksiyon dala pa rin ng coronavirus pandemic, nagtala ng walong sunod na panalo sina Rivero at UP tungo sa 12-2 marka sa eliminasyon.

Kung maituturing na isang signal, nakabilang sa panalo ng Fighting Maroons sa pinakahuling araw ng eliminasyon ang pagputol sa 39-na sunod na panalo ng nagtatanggol na tatlong sunod na taong kampeon na Ateneo De Manila Blue Eagles, 84-83.

Related Posts

Sa harap ng mga miyembro ng koponan na huling nagkampeo noong 1986, nagawang biguin ng UP sa Game 1 ng finals ang Ateneo na umabot sa overtime 81-74 upang lumapit sa korona.

Subalit sadyang hindi ibibigay ng Ateneo ang bitbit na titulo matapos nitong itulak sa ikatlo at huling matira-matibay na sagupaan sa 89-86 na panalo sa Game 2.

Kinailangan muli ng dagdag na limang minuto sa Game 3 upang madetermina kung sino ang kikilalaning hari, pinakawalan ni Joel Cagulangan ang isang matulis na tres sa papatapos na huling segundo upang selyuhan ng Fighting Maroons korona. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.