Una sa Balita

Rivas: 75 siklista patibayan sa Le Tour

0 255

MAKIKILATIS ang 75 cyclists sa mga akyatin sa Tagaytay at sa Donsol sa Sorsogon sa magaganap na 10th year ce-lebration ng Le Tour de Filipinas na aarangkada sa Hunyo 14 hanggang 18.

Magsisimula at magtatapos ang Stage 1 ng LTdF sa Tagaytay City, bukod sa makikita ang kagandahan ng Taal Volcano tiyak na mapapa-wow ang mga siklista kapag madaanan nila ang Praying Hands monument sa Aguinaldo Highway, magkakasubukan naman sila sa ak-yatin sa Barangay Sampaloc sa Talisay town.

Maiksi ang 129.50 kms. pero para kay tour race ma-nager at may-ari ng moniker na Eagle of the Mountain Paquito Rivas, magandang bakbakan ang masisilayan ng fans.
“It may be short but the riders have to ride a tactical race,” saad ni Rivas na nabigyan ng Lifetime Achievement Award mula sa Philippine Sportswriters Association.

May limang stages ang papadyakan ngayong edition na International Cycling Union Category 2.2 event.

Ayon kay PhilCycling chairman Bert Lina, ang Stage 5 na ilalarga sa June 18 ay krusyal na banatan ng mga siklista, may 145.80 kms. lalarga asila sa Legaspi City at dadaan sa Donsol, kung saan makikilatis ang tatag ng mga riders.

Pakakawalan ang Stage 2 sa June 15, may distansya itong 194.90 kms. mula Pagbilao sa Quezon Province hanggang Daet sa Camarines, Norte habang ang Stage 3 ay sa June 16, may layong 183.70 kms. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy