Una sa Balita

Rivalry nina Nora at Ate Vi nabuhay sa The Eddys award

By
0 41

Sa July 16 pa ang airing ng The Eddys ng The Society of Philippine Entertainment Editors ( SPEED ) sa Sunday’s Best ng ABS CBN.

May pagkakataon pa para makapagbigay ng video ng pasasa­lamat ang lahat ng winners na hindi dumalo sa awards night na ginanap sa Kia Theatre noong Linggo at hopefully, maisama ang mga videotaped thank you message nila sa telecast ng The Eddys sa darating na Linggo, 11:15 pm.

Buhay na buhay ang rivalry ng fans nina Nora Aunor at House Representative Vilma Santos-Recto sa announcement ng best actress winner ng The Eddys dahil umalingawngaw sa loob ng Kia Theatre ang kanilang malakas na hiyawan at palakpakan.

Mahigit sa apat na dekada na ang showbiz rivalry nina Nora at Vilma pero hindi ito napantayan o nahigitan ng ibang mga aktres.

As usual, pasaway ang ibang fans na sumusugod sa harap ng stage para kunan ng litrato ang mga artista dahil sagabal sila sa aisle na dinaraanan ng mga tumatanggap ng award.

Nahirapan ang security personnel na pigilan ang fans na matitigas ang ulo at nagpakita ng kakulangan sa edukasyon dahil sa kawalan ng disiplina.

Ang mag-inang Lollie at Lorenzo Mara ang mga presenter ng Manny Pichel Award na ipinagkaloob sa direktor na si Lav Diaz.

Kapatid ni Lollie si Manny, ang namayapa na entertainment writer.

Matagal bago nakaupo ang mag-ina sa kanilang designated seats nang duma­ting sila sa Kia Theatre dahil ayaw umalis ng fans na nang-agaw sa upuan nila.

Kung hindi pa nakipagmatigasan si Lorenzo, hindi aalis ang mga taga-hanga na walang respeto sa kapwa.

Mga award presenter sina AJ Muhlach, Phoebe Walker at Ali Khatibi, ang mga artista ng Double Barrel, ang pelikula ng Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan sa August 2.

Kasama ni Ali ang kanyang misis na si Cristine Reyes na malaki talaga ang resemblance kay Phoebe.

Nakapag-promote din ng kanilang pelikula ang mga presenter na sina Bela Padilla at JC Santos, ang lead stars ng 100 Tula Para kay Stella, ang official entry ng Viva Films sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa susunod na buwan at ang performers na sina Ella Cruz at Julian Trono, ang mga bida ng Fangirl/Fanboy.

Hindi nagbigay ang SPEED ng special award na Stars of the Night pero sure winner sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na mga tunay na epitome ng glamour at style.