Una sa Balita

Ritz sariwa, katakam-takam, sarap lantakan

By
0 747

Hindi man waging-wagi sa isang pakontes ng TV-5 noon, panalong-panalo naman si Ritz Azul sa puso ng mga taga-showbiz.

“BAKA LUMAKI ANG ULO KO”

Kung tutuusin, sa dinami-rami ng mga kasabayan niya noon sa TV-5, parang siya na lang ang natitira na bidang-bida. Ang iba sa kanila, mga pangsuporta na lang.
Pruweba na bibidahin nga si Ritz ay ang malaking tiwala na ibinigay sa kanya nina Mother Lily at Roselle Monteverde, na magbida sa pelikulang The Hopeful Romantic, kasama ang baguhang komed­yante na si Pepe H­errera.
Pero, matapos nga ang career niya sa TV-5, kinuha siya ng ABS-CBN 2. Agad siyang ipi­nareha kina Paolo Avelino at Ejay Falcon sa teleseryeng ‘The Promise of Forever’.
Aminadong kontesera noon, na nangarap talagang maging beaut­y queen. Gusto nga niyang sundan ang mga yapak ni Pia Wurtzbach, pero dahil sa sitwasyon ng career niya, tila naba­sura na ang pangarap na ‘yon na magkaroon ng korona.
Pero sa pag-guest niya sa Abante online show namin ni Rey Pumaloy, ang ‘Abantelliling’, dumating siya na pakaway-kaway, na animo beauty queen talaga.
“Naiwan ko lang ang crown ko. Hahahahaha!” sabi ni Ritz Azul.
Puring-puri nga namin ni Rey Pumaloy ang kabaitan, kagandahan, kaseksihan ni Ritz. Ang kagandahan ni Ritz ay sariwang-sariwa, na parang kahit sinong lalake ay gustong lantakan.
“Naku, huwag niyo naman ako masya­dong purihin. Baka lumaki ang ulo ko. Sana hindi lumaki,” mapagkumbabang sabi niya.
Oo nga naman, ang boobs lang talaga niya ang puwedeng lumaki.
“Wag na, sobrang laki na! Hahahaha!” natatawang reaskiyon niya.
Anyway, marami nga ang naaliw kay Ritz sa pelikulang The Hopeful Romantic. Bagay na bagay sila ni Pepe Herrera.
“Sayang nga hindi ko siya nakasama nga­yon sa Abantelliling. Pero nakakatuwa lang dahil nu’ng premire night, sabi ko nga, kahit dalawa lang ang tawa niyo, okey na sa akin. Eh, sabi ni Pepe 20 ang tawa, pero nu’ng pala­bas na, ang daming tawa ng mga tao.”
Emotional nga si Pepe sa premiere night, dahil sa mga positibong reaksiyon ng mga manonood.
“Nakakatawa si Pepe. Pero nu’ng napanood ko ang drama pala ng karakter ko. Pero si Pepe nakakatawa. Pero hindi ako nahirapan kasi sobra ang suporta ni Pepe at ni Direk Topel Lee. Pero sa loob ko nahihirapan ako kasi sosyal, posturada ang role. Eh, sobrang kabaligtaran ko.
“Sa movie sobrang girlie ako. Nu’ng nagpa-pageant ako, ganun ako laging naka-heels, naka-straight body, pero ngayon cowboy na ako.”
Kunsabagay, simpleng ayos lang kay Ritz, maganda at sariwa na rin agad ang itsura niya. Itsurang katakam-takam sa kahit na sinong b­arako.

‘Mukha raw akong nanay dahil sa boobs ko!’

Kaaliw rin si Ritz dahil magiliw talaga siya sa mga fan niya.
“Sumasagot ako sa kanila. Bago matulog, lahat sinasagot ko. Minsan nababawasan ang tulog ko dahil doon.”
Pero, tulad ng ibang artista, paborito rin siyang babuyin ng mga basher.
“May mga namba-bash din. Sabi mukha raw akong nanay.
“Hindi ko alam kung bakit, pero siguro dahil baka malaki ang hinaharap ko. Akala nila may baby na ako. Eh, bago pa lang ako sa showbiz, malaki na ito.
“Sa movie nga namin, maraming eksena na gustong kumawala ang boobs ko. Sabi ko nga sa stylish ko, hindi na makahinga ang boobs ko.
“Ang role ko kasi ay isang gold digger, na ginagawa lang ang mga bagay na ‘yon para sa mga mahal niya sa buhay. Mahilig akong maki­pag-date sa mga lalaking mayaman.
“Pero in real life, hindi naman ako ganu’n.”

 

‘Hindi ko ipinagbibili ang virginity ko!’

Bukod kay Derek Ramsay, na na-link kay Ritz noon, puro mga non-showbiz na ang natakam nang husto sa kanya.
“Ang bata ko pa noong magsama kami ni Derek sa te­leserye. Mga 17 lang ako noon. Siguro dahil magkatrabaho lang talaga kami kaya kami na-link.”
Marami bang nanligaw sa iyo noon?
“Wala nga eh. Siguro natatakot sila dahil lagi kong kasama ang papa ko noon. Kumbaga, naiisip nila na gwardiyado ako.”
Kaya virgin pa rin siya sa edad na 23?
“Oo naman. Sarado pa rin ako. Puro ganun nga ang mga nabasa ko, na oo naman, ganun pa rin ako hanggang nga­yon.
“Pero may dini-date na ako ngayon. Half Chinese siya. Medyo Instsik din kasi ako.
“Maraming nagtataas ng kilay sa sinabi ko. Eh tapos laging sexy ang role ko. Hindi sila makapaniwala. Pero sa akin, nakasa­nayan ko na.”
Nakasanayan mo na maging virgin?
“Oo naman, nakasana­yan ko na. Hindi ko naman siya hinahanap.”
“Pero hindi naman ito aabot ng 10 years pa. Eh, 34 na ako noon, baka may asawa na ako that time.
“Ako kasi, ang pa­niniwala ko, kung talagang mahal ako ng lalake, maghihintay siya. Ibibigay ko lang sa kanya ito kapag kasal na kami.”
May nagtangka ngang bilhin ang virginity niya sa halagang P3M.
“Hindi for sale ang virginity ko!” sabi lang ni Ritz.
“Hindi naman ako na-offend, actuall­y proud pa ako, kasi alam kong sarado pa ako. Ang naisip ko tini-treasure ako ng mga ito.

 

‘Hindi ako mahilig sa porno!’

Tulad din ba siya ng ibang babae, teen-ager na nakapanood na ng mga porno?
“Hindi ako umabot sa triple-X. Hindi ako mahilig sa ganun. Siguro puwede pa ang mga R-18 lang.
“Pero sa Instagram kasi, may mga nagmi-message sa bigla, na kailangan mo munang pindutin bago mo makita ang picture. Pagpindot ko lu­mabas ang picture, nagulat ako. Binura ko agad. Bakit may mga ganung tao? Ang babastos! Hahahaha!” sabi na lang ni Ritz.