Una sa Balita

Ritz mas pinili ang negosyanteng Tsinoy

0 424

Joseph basted:

Hindi itinanggi ni Ritz Azul ang pagkakaroon niya ng inspirasyon na isang Fil-Chi businessman, na siyang dahilan kung bakit hindi sila puwedeng magkagustuhan ni Joseph Marco, na kapareha niya sa seryeng “Los Bastardos” ng ABS-CBN.

Bagama’t walang labeling ang kanilang relasyon, buong ningning na sinabi ni Ritz sa akin na kapag kasama niya ang lalaki ay masaya at makulay ang kanyang buhay.

Ipinaliwanag ni Ritz na kaya wala silang labeling ng kanyang special friend dahil meron pa siyang mga priority na dapat niyang bigyan ng atensyon.

Pero ito na raw ang lalaking gusto niyang makasama nang matagal.

Sey pa ni Ritz, pinanghahawakan niya ang payo sa kanya ng kanyang ama na kung sinuman ang magiging boyfriend niya, ito na ang dapat niyang mapangasawa.

‘Pag dumating ang time na sinagot na niya ng ‘oo’ ang special friend niya, sigurado na raw siya na sa kasal na ang tuloy nila.

May kakaibang hatid na kaligayahan daw ang lalaking ito sa buhay niya, na napakabait at gusto raw ng kanyang mga magulang. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy