Una sa Balita

Ritz ‘Bilmoko Girl’?

0 949

abante-anything-goes-jun-lalinNaaliw ako sa trailer ng The Hopeful Romantic nina Pepe Herrera at Ritz Azul. ‘Kaaliw ‘yung pagiging Bilmoko Girl ni Ritz sa pelikula ng Regal Entertainment.

Pero in real life naman daw, hindi isang Bilmoko Girl si Ritz at alam daw ‘yon ng isang director na may playboy image.

Kahit kasi na-in love kay Ritz ang director na ‘yon na sobrang rich, hindi naman daw tipong nagpaka-Bilmoko Girl ang leading lady ng The Hopeful Romantic.

Abante Hiring – IT dep

Actually, nauwi nga sa wala ang closeness ni Ritz sa director na ‘yon dahil mukhang hanggang friendship lang ang kaya niyang ibigay dahil ang tsika nga, always no boyfriend ang sexy actress.

Anyway, marami nga pala ang nagsasabing baka makalusot ang The Hopeful Romantic sa takilya ang kumita nga ‘yon dahil nakakatawa talaga ang trailer nila!

Rita Daniela abusada

Aliw ako kay Rita Daniela sa bagong afternoon series ng GMA 7, ang My Special Tatay na pinagbibidahan ni Ken Chan at magpa-pilot telecast na mamaya.

Si Rita kasi ang babaeng umabuso sa may pagka-autistic na si Ken, kaya nga ito naging tatay, huh!

Sabi ni Rita, type niya ‘yung pagiging bida-kontrabida niya sa My Special Tatay at malaking challenge raw ‘yon sa kanya.

Natatawa rin si Rita sa tawag sa kanya ngayon na babaeng umabuso dahil nga sa My Special Tatay.

Anyway, bongga si Rita dahil siya ang kumanta ng theme song ng My Special Tatay kesehodang singer din naman ang bidang si Ken.

Ilang series na rin ng Kapuso network na si Rita ang kumanta ng theme song, huh!

Erik kaabang-abang ang chika sa ‘Abante Live’

Touched naman ako kay Erik Santos, Dondon (my dear editor)! Nangako si Erik na magge-guest sa Abante News Online show ko bilang part ng kanyang My Greatest Moments concert.

In fairness to Erik, kahit 15 years na siya sa showbiz at sobrang tatag na ng kanyang career, aba, hindi siya nakakalimot sa mga taong nakasama niya noong nagsisimula pa lang siya.

Sobrang happy nga pala ni Erik at ‘yung platinum at VIP tickets para sa kanyang anniversary concert on September 22 sa MOA Arena ay sold-out na, huh!

Marami nga ang nagsasabing bago ang concert niya ay siguradong magdadagdag pa ng section na standing na dahil ang lakas nga ng benta ng tickets!

Oo nga pala, sa ilang beses kong pakikipag­tsikahan kay Erik ay nabanggit niya na kahit nauwi sa wala ang relasyon nilang dalawa ni Rufa Mae Quinto ay okey pa rin naman sila as friends.

May mga pagkakataon nga na nagkakakuwentuhan ang mag-ex-sweethearts at sinasabi ni Erik na masaya siya para kay P-chie (palayaw ni Rufa Mae) dahil alam niyang masaya na ito sa pagiging isang misis at nanay.

Naku, sana katulad din sina Erik at P-chie ng ibang ex-lovers na puwedeng maging good friends, ‘noh?!

Anyway, speaking of Abante News Online sa Facebook, tutok kayo mamayang 3:00PM para sa live guesting ni Mariel de Leon, huh!

Mark itinanggi ang kasal kay Winwyn

Aliw ako sa video ni Winwyn Marquez na kuha sa isang resort habang nasa isang malaking kawa at parang niluluto naman siya ng boyfriend na si Mark Herras. Naku, may apoy talaga sa ilalim ng malaking kawa na ‘yon, huh!

Anyway, aliw na aliw si Winwyn sa ginagawa ni Mark na mukhang enjoy rin naman sa “larong” ‘yon.

Nang makatsikahan nga pala namin lately si Mark, sinabi niyang hindi pa naman sila magpapakasal ni Winwyn kahit pa nga ang hula ng mga taong malalapit sa kanila ay malapit na talaga silang magpa­kasal, huh!