Una sa Balita

Rita Magdalena pinaghimalaan sa US

0 653

LOS ANGELES, California — Alam mo, Dondon, ‘katuwa lang ang mga dating artista na nakakasama natin noon sa Philippines at based na dito ngayon dahil kapag nalaman nila na may mga nakasama sila noon sa showbiz na nagbabakasyon dito, nakikipagkita talaga sila.

Ang dating sexy star na si Rita Magdalena na ini-launch noong 1997 sa pelikulang “Mananayaw” (directed by the late Celso Ad. Castillo) ay nakipagkita sa akin nang malaman niyang nandito nga ako.

Actually, sa San Diego nakatira si Rita dahil US Navy ang mister niyang si Christopher Bartleson.

“Tamang-tama, we’re going to Disneyland, birthday weekend ng husband ko, then puntahan ka ­namin sa L.A. area,” sey ni Rita nang magkausap kami last Friday.

So, noong Saturday, hindi sila natuloy sa Disneyland, pero nakipagkita pa rin siya sa akin.

“Napuyat kasi kami sa kaiiyak ng baby namin. So, late na kami nakaalis ng San Diego, inabot na kami ng sobrang traffic, kaya nag-decide na lang kami na mag-check-in sa downtown L.A. and tomorrow na lang kami mag-Disneyland,” sey ni Rita.

Actually, if you remember, Dondon, noong nagkita kayo ni Rita sa debut party ni ­Marie Preizer last March, naikuwento niya na may plano siyang magbalik-showbiz kaya nga nagpapapayat siya that time, pero nang umuwi siya sandali ng San Diego ay nabuntis nga siya.

“Actually, noong 2014, nagbuntis na ako. Kambal pa, pero nakunan ako after eight weeks.

“That time, nag-IVF (In vitro fertilization) ako. Four times, gumastos lang kami, ‘tapos isang beses nga ako nabuntis, ‘yung sa kambal, pero nakunan nga ako.

“Bukod sa IVF, nag-IUI (intrauterine insemination) ako. Six times ‘yon, walang nangyari. Hindi ako nabuntis.

“That time, CNA (certified nursing assistant) ako, so, nag-decide ako na umuwi ng Philippines. Pabakasyon-bakasyon. Naisipan ko rin na magbalik-acting, pero nabuntis nga ako bigla.

“That time, parang hopeless na. Ayaw na ­naming umasa ng husband ko, pero bigla nga, miracle ­talaga, nabuntis ako.

“Noong nasa Philippines ako, nag-Manaoag pa kami nina Leo (Dominguez, her manager). Nagpupunta pa kami sa Quiapo. Kahit kasi hopeless na kami noon, pinagdarasal ko pa rin.

“Miracle na nagbuntis ako at ipinanganak ko si Caleb noong December 18,” kuwento ni Rita.

Sa ngayon, on hold na ang plano ni Rita na magbalik-showbiz dahil bukas pa lang mag-two months si Baby Caleb.

“Siguro in the future, kapag malaki-laki na ang baby namin,” sabi pa ni Rita.

Last year nga pala ay malaki na ang ipinayat ni Rita, pero dahil kapapanganak pa nga lang niya kay Baby Caleb ay tumaba na naman siya.
“Ang taba ko ngayon,” sabi niya, pero sabi ko naman ay ok lang dahil ang pretty pa rin naman ng face niya.

Oo nga pala, nag-thank you ako kay Rita at sa husband niya dahil kahit busy sila sa kanilang baby ay nag-effort sila na makipagkita sa akin!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More