Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rita ayaw tularan si Jake Zyrus

0 281

Kinumpirma ni Direk Sigrid Bernardo na maraming professional actor ang hindi magaling umarte at daig pa sila ng mga baguhang sina Rhen Escaño at Rita Marinez na mga bida sa seryeng “Lulu”.

Ginulat ni Direk Sigrid ang mga press sa zoom presscon ng “Lulu” nang sabihin niyang marami siyang mga naidirek na mga pro actors na hindi magaling umarte.

Prangkahan daw niyang sinasabihan ang mga ito na hindi ito magaling at humingi ng assistance sa kanya o sa acting coach para makuha ang eksena. May mga artistang naiintindihan daw ang pagpuna niya.

Speaking of Rita, bago pa mag-react ang mga lesbian na nagpa-sex change, nagpasintabi na ito sa isyu tungkol doon. Si Rita ay tibo na bida sa “Lulu”.

Sa tanong namin sa kanya kung may plano ba siyang gayahin si Jake Zyrus, na nagpatanggal ng boobs, at nagpabago ng boses, at lalakeng-lalake na ngayon. Ang sagot niya ay wala, dahil kuntento raw siya sa kung ano ang meron siya.

Bukod sa pag-inom ng male hormones, nagpatanggal nga ng breasts si Jake, at may larawan din siyang tinubuan ng balbas at bigote.

Pero ayo kay Rita, nirerespeto niya ang kagustuhan ng iba na baguhin ang kanilang itsura. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.