Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rita ayaw ilantad ang non-showbiz dyowa

0 256

Nakausap ni Nelson Canlas si Rita Daniela after niyang official na mag-announce na siya nga ay buntis at malapit ng maging isang ganap na ina.

Ayon kay Rita, kahit na artista, may mga bagay pa rin daw sa buhay niya na pribado. Gusto pa rin daw niya na private person pa rin siya.

“Ever since kasi, I’ve always been a private person. I’ve been in showbiz for 6 years, sobrang out in the open ‘yung buhay ko.

“Masayang maramdaman yung meron kang alam mong sa’yo lang. Iba ‘yung feeling. Balance ‘yung buhay mo kasi hindi lahat alam sa ‘yo.”

Dito rin nga inamin ni Rita na may non-showbiz boyfriend siya at ‘yun ang ama. Na ito ang isa sa mga nagawa niyang pribado at ‘di alam ng lahat sa kanya.

Sa isang banda, tinanong si Rita kung sino ang mga una niyang sinabihan na buntis siya. Mukhang wala sa listahan ang ka-loveteam na si Ken Chan dahil sey niya, ang best friend daw niya na naing contestant din ng ‘The Clash’ na si Cholo Bismonte, kapatid niyang babae at ang pamilya niya.

***

Glaiza kinaiinggitan ng mga artista

Kinainggitan nga mga kapwa artista si Glaiza de Castro na ngayon ay nasa South Korea na sa loob ng dalawang buwan para sa taping ng “Running Man PH”.

Tinutukso at hinihiratan si Glaiza sa Instagram ng ilang celebrity dahil sa ipinost niyang bouquet of flowers na paandar sa kanya ng kanyang Irish husband na si David Rainey.

Caption ni Glaiza, “To the ever-supportive husband, @david_rainey89, thank you. Wish you were here with me. Nado saranghae.”

Kaya hindi lang talaga si Mikael Daez ang may asawang hindi makakasama ang misis niya, si Glaiza rin sa kanyang mister, though, sa kanilang dalawa, mas sanay na rin si Glaiza na LDR sila ng mister.

Sa comment section, mga hirit kay Glaiza ng mga kaibigang artista. Una na si Gabby Eigenmann na, “Naapakan ko yung buhok mo ning…”

Napa- “Grabe” naman si Yasmien Kurdi.

At mga heart emojis sina Rita Daniela, Rabiya Mateo at Iza Calzado.

Sey naman ng co-runner ni Glaiza na si Lexi Gonzaes, “Yung mga langgam!!!”

Lea nalula sa Royal Albert Hall

Kahit na kung saan-saan na sikat na venue na at kilala bilang International star si Lea Salonga, meron pa rin pala siya ng pakiramdam na tila hindi siya makapaniwala.

Hindi nga raw siya makapaniwala na nakapag-perform siya o nakapag-concert sa Royal Albert Hall, sa London.

Ang Royal Albert Hall kasi sa South Kensington, London ay isa sa UK’s distinctive at historical building.

Sabi ni Lea, “Still in disbelief that we did a concert at the Royal Albert Hall last night!

“For some of the show, I had to just sit for a second or two and be an immensely proud big sister just watching Gerald (Salonga) wave his baton against the backdrop of a packed crowd at this historic venue.

“Our mom said to create happy memories while on this tour together; we most certainly are.

“Bravo to all the incredible musicians up on stage with us! Two more performances to do: Cabterbury tonight and Glasglow two days after. Then all we’ll have are those happy memories.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.