Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Riper/Sabong on Air, Patidongan sisiyapol

0 200

TIYAK na mapapalaban nang todo ang mga panabong nina Richard ‘RIPER’ Perez at Ka Rex Cayanong dahil mga tigasing breeder at cocker ang kasali sa 6-Cock Derby na bibitawan sa ruweda ng Pakil Cockpit Arena sa Brgy. Kabulusan, Pakil, Laguna.

Gamit ang entry name na “RIPER/Sabing On Air”, kasama sa mga naimbitahan sina Perez at Cayanong para salihan ang pa-derby ni Dondon Patidongan.

Muling susubukan nina Perez at Cayanong ang husay ng kanilang mga warrior, nakaraang buwan lamang ay nagkampeon ang “RIPER/Sabong on Air” entry sa Hagibis TV 4-Cock Derby na inilarga sa state-of-the-art RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna.

Magkasunod na kampeonato ang pinupog ng “RIPER/Sabong On Air” at pakay nina Perez at Cayanong na masungkit ang pangatlong kampeonato.

Posibleng matapat ang “RIPER” sa WPC Pitmaster team “Alpha” na pinangungunahan ni Charlie “Atong” Ang.

Ang ibang kasali sa grupo ng WPC Pitmaster ay sina Art Atayde, Rhona Bullecer, Jun Soriano, Atty. Henry Tubban at RR Lacson, kasali rin ang host ng derby na si Patidongan.

May pot money na P110,000 habang ang minimum bet ay 110,000 sa derby na pinapayagan na maglaban ng hennies o binabae. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.