Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Riper/Sabong On Air’ hari sa WPC Derby

0 150

UMISKOR ng limang puntos ang combined entry nina Richard Perez at Ka Rex Cayanong upang magkampeon sa katatapos na WPC 6-Cock Derby na ginanap sa New Antipolo Coliseum nitong Linggo.

Gamit ang combined entry na “Riper/Sabong On Air”, ang nasabing event na sinalihan ng mga bigating breeder at sabungero ay hosted ni JP Dragon, may total cash prize ito na P3,700,000 na ikakalat mula sa champion, runner-up hanggang sa handler at gaffer.

Unang giniba ng “Riper/Sabong On Air” ang “Malolos BTC, Wild Creek J-Lo” na pag-aari nina Boyet Cruz at JV Lopez, sunod ang “Digama Waste” ni Robert Gaza habang pangatlo ang “ClearCut” ni Madlam Bayan Bros.

Kasama sa mga syinapol ng mga panabong nina Perez at Cayanong ang “VRV GALLMAN” ni Vincent Violago Manalansan at “Lady Dragon” ni Jimboy Jimenez.

Ayon kina Cayanong at Perez, matindi ang kanilang mga nakalaban at nagbunga naman ang kanilang pagtitiyaga sa paghahanda ng mga manok.

Kasama sa naging susi ng tagumpay ng “Riper/Sabong On Air” sina Boy Royo (Handler) at Arvin Putot (Gaffer). (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.