Una sa Balita

Riper 6-cocker latag ngayon sa Pasay

0 324

TINATAYA ang mahabang pila sa Pasay City Cockpit dahil sa 100 sultadang nakaprograma sa larga na ngayong “Riper Big Event 6 -Cock Derby.”

Sa nagdaang tatlong ‘Big Event’ derby ng PCC, nasa 171, 132 at 95 ang mga sabungerong bumahagi.

“It’s a fight-to-the finish among bigtime cockers.The champions will be declared after the derby,” bukambibig kahapon ni PCC pit manager Gerald Go.

Inihanda ito ni host Richard Perez ng Riper Sinag group sa mga tulong ng National Cockers Alliance (NCA), Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Ilan sa mga kalahok ay sina sabong idol Patrick Antonio, Femy Medina ng Fa Fa Fa March 22, Atty. Amante Capuchino, Raffy Zaide, dating Rizal Gov. Ito Ynares, Firefly 13, Charlie “Atong” Ang, RJM, Mea, Mayor Goto Violago, Ador Pleyto, Jojo Cruz ng JTC Caingin Pasay May 3, Dori Du ng Davao, Arman Santos at Eric dela Rosa.

Hatag naman ang second leg “2019 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year” series sa PCC sa Lunes, Mar. 18.

Tawagan lamang para sa iba pang mga detalye sina Erica at Ace sa 0945-4917474, 0939-4724206, 843 -1746 at 816-6750. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy