Una sa Balita

RIP Kobe!

0 451

Na-Meet ko nitong nakaraang linggo sa Baguio City ang kontrobersyal na bagong Mayor Benjie Magalong.

Kasama ko sina ­Alvin Patrimonio, Vince ­Hizon, EJ Feihl, Willie Miller, Bong Alvarez, Banjo Calpito at Jun Marzan.

Big fan ng basketball si Mayor Benjie.

Kalaro namin ang kanilang LGU at mga admin officer. Ginawa ito sa University of the Cordilleras.

Kalamig ng gabing ‘yun lalo nasa kanilang gym, siyempre ­hingal todo ang mga ­ka-­Legends lalo na sa pag-akyat pa lang patungo sa kanilang gym dahil ito ay nasa 2nd floor.

Pagdating naman sa unang parte ng laro, hingal pa rin ang nangyari dahil sa kawalan ng kondisyon, nipis ng hangin at edad.

Ang saya ng ­aking mga kababayang ­Ilocano sapagkat lahat ay nakakuha ng picture, nagpa-sign ng autograph sa favorite nilang player at nakipag-chikahan ­kahit paano sa maikling ­pagkakataon.

Pagkatapos ng laro nag-dinner kami sa isa sa mga dinadayo ng mga Pinoy, ang Good Taste. Mura na masarap pa. Pila nga lang mga kababayan.

After dinner party, ginawa naman sa Camp na puntahang lugar naman ng mga millenial. Tugstogs ang galawan. Konting inom ng serbesa sabay retire na rin sa aming tinutuluyang Travelite Hotel.

Malaking pasasa­lamat namin sa mga nag-invite ng Legends na tulad ng kababayan kong taga-Enrile, Caga­yan Valley contractor Jojo Dolatre and family, Boss Bryan at John Arellano.

At lastly to one of my favorite player Kobe Bryant, may you rest in peace Mamba.

You’ve touched the lives of so many ­aspiring players, students, ­athletes, millennials, you are an epitome of a successful athlete.

***
Sa January 30, Thursday, for the second time ay maglalaro ulit kami sa Barcelona Academy sa may Valenzuela City along North Expressway lang kaya kita-kits.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More