Una sa Balita

Riot sa prusisyon: Pulis inagawan ng baril suspek bugbog-sarado ng mga deboto

0 374

KINUYOG ng taumba­yan ang isang lalaki matapos nitong agawan ng baril ang isang pulis sa prusisyon kamakalawa nang gabi sa Tabaco City, Albay.

Pasa, bukol at mga bali sa katawan ang inabot ng suspek na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital na nakilalang si Vinji De Villa, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. San Isidro ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng Albay Police Provincial Office (PPO), naganap ang insidente pasado alas-siyete nang gabi habang nasa kalagitnaan ng prusisyon sa Brgy. Poblacion sa lungsod ng Tabaco.

Kasama sa prusisyon si Police Staff Sergeant Nimo Magistrado at ang pamilya nito at habang naglalakad ay bigla na lang itong inagawan ng baril ng suspek.

Naagapan naman ng pulis ang pag-agaw ng baril ng suspek dahilan upang magpambuno ang dalawa hanggang sa tumulong na ang kalalakihan na nasa prusisyon at binugbog ang suspek. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy