Una sa Balita

RIOT SA DEMOLISYON

By ,
0 4

Nauwi rin sa gulo at karahasan ang demolis­yong naganap sa mga kabahayan sa Barangay Tandang Sora sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ganap na alas-siyete ng umaga nang simulang maghanda ang tropa ng demolisyon team kasama ang Crowd Dispersal Management (CDM) ng Quezon City Police, at Special Weapon and Tactics (SWAT) para sa gagawing paggiba sa mga kabahayan na nasa Apollo St, Brgy. Tandang Sora  pero agad silang hinarang ng mga residente na may bitbit namang mga karatula.

Unang nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng grupo ng mga residente na Apollo Neighborhood Association na humihiling ng dalawang araw na palugit para maka-paghanda sila subalit hindi na ito ipinagkaloob ng demolition team at ng City Hall.

Abante Hiring – IT dep

Ang demolisyon ay ginawa sa mga illegal structures na mga bahay na kinapapalooban ng may 140 pamilya na nakatayo sa tinatayang nasa 1,668 square meters na lupain sa nasabing lugar.

Pasado alas-11:00  ng umaga nang simulang pasukin ng mga demolition team ang lugar pero pu­malag ang mga residente kasabay nito ay umulan ng bato at mga basyo ng bote  hanggang sa magkatulakan.

Habang ang mga batong inihahagis ng mga residente sa demolition team, ay ibinabato naman sa kanila pabalik, na nagesulta sa halos sampung katao umano ang bahagyang nasugatan.

May inihanda manong relocation sa Payatas at Pandi Bulacan.