Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Riley nilusot Braves vs Dodgers

0 106

PABIDA si Austin Riley sa Game 1 ng Major League Baseball National League Championship Series nitong Sabado sa Atlanta.

Kumonekta ng homer si Riley bago sinindihan ng single ang winning run sa ninth inning para itulak ang Braves sa 3-2 panalo kontra Los Angeles Dodgers.

Kinuryente muna ni Dodgers reliever Blake Treinen si Freddie Freeman sa bukana ng 9th bago nalusutan ng single sa center field ni Ozzie Albies.

Nakanakaw sa second base si Albies, sinundan ng line drive ni Riley sa left-field corner.

Game 2 ngayong araw sa Atlanta pa rin bago tumawid ang series sa LA. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.