Una sa Balita

Rihanna sinopla ang panlalandi ni Chris Brown

0 279

Isa sa pinaka-pinagpapantasyahan ng kalalakihan sa mga Hollywood star ay ang singer na si Rihanna dahil sa malakas nitong sex appeal.

Kailan lamang ay muli itong nagbahagi ng kanyang usual sexy and seductive picture kung saan pinagpiyestahan ito ng kanyang mga follower.

Pero guess what kung ano ang mas nagpa-spice up sa litrato ni Rihanna?

‘Yan ay nang mag-iwan ng comment na “I wanna be the lamp” ang ex niya na si Chris Brown sa naturang litrato.

Well, galawang breezy nga kung tawagin ng mga fan pero hindi nagpadala ang singer.

Agad itong nagpatutsada sa kanyang Instagram story na palagay ng mga fan ay may kinalaman nga sa comment ni Chris Brown.

Nagbahagi ito sa IG story ng Bible verse at kasunod nito ay may nakalahad na quote na nagsasabing “you do not have to go backward.”

So para sa mga fan, ito ay malakas na patunay na hindi nagpadala umano si Rihanna sa flirty comment ng kanyang ex.

Matatandaang kumalat noong early 2000’s ang balita na binugbog umano ni Chris Brown si Rihanna dahilan para maghiwalay ang dalawa. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy