Una sa Balita

Rihanna kinasuhan ang erpat

By
0 782

Nagsampa ng demanda ang singer na si Rihanna sa sari­li niyang ama na si ­Ronald Fenty dahil sa pag-exploit ng kanilang family name. Nag-file na ng demanda ang ­singer, whose real name is Robyn Fenty, sa kanyang ama dahil sa pag-represent sa kanya sa ilang mga business transactions nang hindi niya alam.

Nag-attempt daw ang ama ni Rihanna na ipa-trademark ang ­Fenty name pero nauna nang ­nagawa ito ng singer.

Isa pang ginawa ng ama ng singer ay ang makipag-negotiate para sa isang tour deal kunsaan kikita ito ng $15 million pero wala naman daw connection sa business ito.

Kasama rin sa demanda ni Rihanna ay ang business partner ng kanyang ama na si Moses Joktan Perkins dahil sa ginawa nitong “fraudulent conduct” is “particularly egregious.”

Malaking brand name na si Rihanna kaya pinoprotektahan niya ang kanyang image. Two years ago ay ni-launch ang kanyang makeup line na Fenty Beauty at last year naman ay ni-launch ang kanyang lingerie line na Savage Fenty X.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy