Una sa Balita

Rigodon sa Palasyo bago ang SONA sa Hulyo

0 457

Mukhang magkakaroon ng rigodon sa administrasyong Duterte bago ang SONA o state of the nation address ni Presidente Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Ayon sa aking bubwit sa Palasyo ng Malacañang, ang ipapalit sa cabinet member na kababayan ni Pang. Duterte sa Mindanao ay dati rin naging mi­yembro ng gabinete ni dating Pang. Erap Estrada.

Ang apektadong cabinet member na hindi kasi sikat sa economic managers ng Pangulo kaya tatanggalin ay si Agriculture Sec. Manny Piñol at ang gustong ipalit sa kanya ay si dating Agriculture Sec. William Dar.

Sinasabing matagal nang luto na papalitan si Piñol pero natagalan dahil sa commitment ni Dar sa hinawakan nyang int’l. NGO.

Siyempre nga naman magandang pagharap ng Pangulo sa bayan sa kanyang SONA ay may ibibida siyang bago o mga bago sa kanyang official family.

May isa pang cabinet member ang napabalitang maaapektuhan bukod kay Sec. Manny Piñol pero hindi pa naman ito final, maingay pa lang na pinag-uusapan sa loob ng Palasyo at ng cabinet members.

Sinasabing maaalis din ang best friend ni Vice President Leni Robredo na si DFA Sec. Teddy Boy Locsin na maaaring palitan ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.

At hindi pa diyan natatapos ang ugong na rigodon sa admi­nistrasyon bago ang SONA ng Presidente sa Hulyo. Ayon pa sa aking bubwit sa Malacañang, mayroon pang isang pagbabago, pero sa Camp Crame naman.

Sinasabing baka mapaaga ang retirement ni PNP Chief Oscar Albayalde na itinutulak ng isang grupo ng malalapit kay Pang. Duterte na italaga sa Bureau of Customs. Itinutulak ito sa pag-asang matuldukan na ang walang katapusang kontro­bersiya sa mga nilalagay ng Pangulo na hepe ng Aduana.

Ang ipapalit kay Albayalde na hepe ng pambansang pulisya? Isang kuyang din, isang ‘Noble G’ na talaga namang petmalu na officer and a gentleman!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy