Una sa Balita

Rigodon sa ABS-CBN News

0 376

Nagkaroon ng rigodon sa pamunuan ng ABS-CBN News.

Sa ngayon, si Lynda Jumilla na ang Executive Editor sa digital news. Nauna na itong nagpahiwatig ng kahandaan sa bagong posisyon na kanyang hahawakan kamakailan via tweet.

“In july 1999, i left the print medium to enter a new world that was broadcasting. 20 years to the month, i leave broadcasting for the largely uncharted waters of digital news. Indeed, the only thing constant is change. Let’s bring it on,” ani Jumilla.

Bilang executive director, pangangasiwaan ngayon ni Jumilla ang mga digital platform ng Kapamilya network na ABSCBNNews.com, social media at iba pang online portal ng istasyon. Siya rin ang head ng digital editorial team.

Samantala, si Cilette Liboro-Co na ngayon ang head ng News Events and Partnership, mula sa pagiging COO ng ANC.

Pumalit naman sa puwesto ni Liboro-Co si Nadia Trinidad, na dating ANC news production head. Bilang chief operating officer ng ANC, layon ni Trinidad na ipagpatuloy ang misyon na magbigay ng round-the-clock news and information sa lahat ng Pinoy viewers here and abroad.

Ilan pa sa mga newly appointed ay sina Gerry Lirio (Managing Editor) at Alcuin Papa (Head, ABS-CBN Global News bureaus). (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy