Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Righteous Ruby larga sa PSA Cup

0 62

NAGDEKLARA ng pagsali ang kuwadra ni Righteous Ruby sa magaganap na 2022 Philracom-Philippine Sportswriters Association (PSA) Cup na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa Hunyo 24.

Nakatokang sasakay kay Righteous Ruby si former PSA-Jockey of the Year awardee Jonathan Hernandez sa karerang may distansyang 1,600 metro.

Ang ibang nomido sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Best Regards, Darleb, Crowded Trade, Dragon Butterfly, Full Stream, Shastaloo, Super Ninja at Time For Glory.

Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, inaasahan nilang magpapakitang-gilas si Righteous Ruby pero mapapalaban din siya nang todo dahil matitikas din ang mga kasali.

Para sa ibang karerista, napipisil din nila sina Super Ninja at Darleb na puwedeng maka-tsamba sa laban.

Wala pang official na lineup, maaaring hindi makasali ang iba pero tiyak na magandang laban ang masisilayan ng mga karerista dahil sa nakalaan na premyo. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.